KAPANGYARIHAN SA TALINO
UPANG MAGKAROON NG BILIS NG KAISIPAN, NA MAY MATALAS NA MEMORYA, AT MAGING MATALINO, LUMAWAK ANG UNAWA, AT TUMALAS ANG ISIPAN, AY SUNDIN ANG MGA SUMUSUNOD:
UPANG ANG KAPANGYARIHANG ITO AY MAKAMTAN, KAILANGANG SUNDIN ANG PAMAMARAAANG ITO.
KUMUHA NG 7 HOSTIA. ISULAT GAMIT ANG LAPIS ANG MGA SUMUSUNOD NA ORACION. (ISANG SALITA BAWAT HOSTIA)
EMSAT
SUOCAUM
AUSEZOT
TACASAT
ASHATE
MUSEGAUM
DODAOMAXHE-SATHUM
SIMULAN SA ARAW NG HUWEBES NG GABI ANG PAMAMARAANG ITO.
IBABAD ANG ISANG HOSTIA NA SINULATAN NG UNANG SALITA SA KALAHATING BASONG TUBIG AT TAKPAN. GAWIN ITO BAGO MATULOG.
SA UMAGA BAGO MAG-ALMUSAL, AY MAGDASAL NG ISANG SUMASAMPALATAYA HANGGANG SA IPINAKO SA KRUS. ISUNOD ANG MGA KATAGANG ITO SA ISIP: AMA KO, IPAGKALOOB PO NINYO SA AKIN ANG PODER AT KAPANGYARIHAN NG SANTONG PANGUNGUSAP NA GINAGAMPANAN KO NGAYON.
PAGKATAPOS, AY INUMIN ANG TUBIG KASAMA ANG ORACION.
GAGAWIN ITO NG WALANG PATLANG SA LOOB NG 7 ARAW.
KUNG KUMUKUHA NG PAGSUSULIT O NAGLULUTAS NG MGA PROBLEMA, MAGDASAL NG ISANG SUMASAMPALATAYA HANGGANG SA IPINAKO SA KRUS. ISUNOD ANG ORACION NG SUSING ITO, AT MANGYAYARING MAS MAGIGING MADALI ANG MGA PAGSUSULIT AT PAGLUTAS NG MGA PROBLEMA GAMIT ANG TALINO