hindi ko po kayo pinipilit na sundin ang mga naka post dito. kung gusto nyo kunin sige malaya kayo. Take Note: kung hindi po ninyo napagana ang nasabing oracion, baka kailangan nyo lang po DEBUSYUNAN
Sabado, Agosto 18, 2012
URATULO ni Haring David
Banggitin ng tatlong beses ang pangalan at apelyido _____________________ PENEPE EPE EPCI CHRISTI CHRISTO MANDURUM EN VETA AGASAK DAVID IGLURYARUM PERIVILABIT BENEDICTUM SAN MANUEL EGOSUM EGO DEUS PATER EGO DEUS FILLO EGO DEUS ESPIRITU SANCTO NATUSET MARIA VIRGENE EGOSUM SANCTUS SAPUTRES URTALICA NI DAVID NATUTULOG KA MAN NG MAHIMBING AKO PA RIN ANG IYONG AALALAHANIN, MABALISA KA AT AKO ANG IYONG PAGHAHANAPIN AKO SI _____________________ NA TUMATAWAG SA IYO SA ARAW AT GABI.
Kung sakali at magkita na kayo ng iyong minamahal at magkaroon ka ng pagkakataon na mahawakan mo ang kanyang mga kamay o palad, ibulong mo muna ito sa palad mo bago mo siya hawakan: BITAM MITAM SIGNE PACTIM IGNUM CRUSEM (phu 3x).
Subukan siyang tapikin (pasimple lang) ng tatlong beses sa balikat sa bandang likod matapos mong ibulong sa palad mo ang + MAHAL NA POONG SANGAROM MAHAL NA POONG SANTO DIPAN LOOB MO AY MAGTUBIG KATAWAN MO AY MANLAMIG SANTINAKTOM PAKTOM POSROM +
MAY KAPANGYARIHAN KABANG HINDI MO ALAM?
Gusto mo bang malaman kung may likas kang kakayahang magpatalab ng mga orasyon? Kung sa iyong pagsubok ay mapatalab mo agad ang orasyong ibabahagi ko ngayon dapat kang matuwa at magpasalamat dahil isa kang bertudes, kung hindi mo naman mapatalab ay huwag kang malungkot dahil ibig sabihin nito ay kailangan mo lang magsakripisyo, manampalataya at maghandog ng panalangin sa panginoong Jesus at sa Diyos Ama.
Una, kailangan mong maghukay sa lupa ng may lalim na hanggang siko at may katamtamang luwang. Hulugan mo ng katam-tamang laki ng bato (huwag batong buhay) ang iyong hinukay at tabunan ito. Ibulong mo sa iyong palad ang orasyong ito ng tatlong beses "Jutlay Jutlay Mamonglay kahit bato, kahoy ay durog" samahang mo ng tatlong "phu" sa hulihan ng ikatlong bulong. Manampalataya at suntukin ng tatlong beses ang ibabaw ng tabon ng ibinaong bato.
Hukaying muli ang hukay at suriin ang bato. Depende sa patalab ng orasyon, maaaring ang bato ay magkaroon ng pingas, mahati o magkahati-hati, o madurog. Maari din namang walang mangyari sa bato, subali't tulad ng sabi ko hindi madali ang magpatalab ng orasyon. Isa itong sakripisyo. Kung mapatalab mo ito, huwag gamitin sa tao o alagang hayop sapagka't maaaring makasakit o makamatay.
Kung sakaling maging matagumpay kayo sa pagsubok na ito, huwag sana kayong mag-atubiling magbahagi ng inyong karanasan sa pamamagitan ng blog site na ito.
Narito ang pamamaraan ng paggamit sa orasyong para sa cabal "Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen" . Nasa orasyong ito ang lihim na pangalan ng mga anghel na dumating at dumapo sa krus ni Jesus habang siya ay nakapako. mas mabisa ang cabal na ito kung sa alak ibubulong sa halip na sa tubig lamang. Dasalin at ibulong ang orasyon ng tatlong beses sa alak na nasa baso matapos orasyunan ang alak hipan ito ng pa-krus ng tatlong beses. Inumin ang alak ng tuloy-tuloy o isang inuman lamang, kaya dapat katamtaman lang ang dami nito.
PARA SA SAKIT AT KARAMDAMAN
1. Sa masakit ang ngipin:
BUCOLUM BALALAM BIAM AM DIDIC DIO DIO JESUS
(Bulong sa tubig na imumumog)
MIMITAM MANIC MITAM MATAM
(Bulong sa tubig na imumumog)
EMAC EGOLUM
(Bulong sa iyong kamay na ihihilot sa kamay at daliri ng masakit ang ngipin)
2. Sa Pilay (Ibulong sa langis at sa kamay na ihihilot)
MADMEO ACBIUS ROUDAE
ARAM AC-ADAM AM-ADAM
ARAM ADAM ACSIDAM VUC VOUC VAUC TAUOC
3. Sa Bukol (Tapal),
Sa sakit ng ulo (Tapal at hihip sa ulo)
-- kalimitan ang nagpapagamot sa kanya, may dala ng salonpas na pantapal
MATAM MAUM-RUM MOUM BEM
4. Sa pulmonya, sakit ng ulo at lagnat
(bulong sa inumin at pantapal)
DATAM UMO BUSCUM BIL SABAOTH
5. Sa Tisis at pulmonya
(panghilot din sa masakit ang likod at lalamunan)
AMAM SANCTUM AMAM TACA AMAM SABAB
6. Sa peste at sa iba't-ibang sakit
ECCE CRUCEM DOMINE FUGITE PORTIS AD VERCE VINCIT LEO DE TRIBU JUDA DAVID ALELUYA ALELUYA ALELUYA
7. Sa nanlalabong mata
ELEATA ELEBATO YTA DE ULA YTA DE DAPO TIBAC TIGMAC BALUARTO TIARAHA BALARA
8. Para maampat ang pagdurugo
MAR MAR PORAM LEETMES GENOTES PERAM PARAM
kung nasugatan at kayang tapalan ng papel ang sugat na nagdudugo, isulat ng dugo ang salitang INRI sa papel at ihihip dito ang basag nitong IGNE NATURA RENOVATOR INTEGRA bago itapal sa sugat na nahiwa o nataga.
9. Pantapal sa lahat ng sakit
EGOTE VAUME LAIUMI IBSA SEMPIMARATUTIC
10. Pasapa at pantapal sa bukol
YAHURA YAHURI YAHUYARI YBARIGAJO RAN
OCTE OACTE OACNE OANGE
11. Hihip sa mata ng napuwing
RICOTITAM MASUR RISURBO
12. Sa tamang hangin
(hihip sa tuktok ng 3 ulit)
MEMENTOMO HOMO TUIS REBOESEMPO ESPO SUO BARES
13. Sa sinusubaan at kinakabagan
ESET ETAC ENATAC EDEUS GEDEUS DEDEUS
MAIKLING PAGTAWAG SA PITONG ARKANGHEL
kung sakaling makumpleto mo na ang pagseserbisyo at panalangin para sa pitong arkangheles mayroong maikling panawagan sa kanila na magagamit sa kagipitan o sa mabilisang pagkakataon. Subali't magagamit mo lamang ito kung kumpleto na ang panalangin para sa pitong arkangheles at regular mo silang pinagdadasalan. Kung magagawa mo ito, darating ang pagkakataon na kilalang-kilala ka na nila at magagamit mo ang maikling panawagan o panalanging ito at paghingi ng tulong:
Angele Dei que custos est mei, me tibi commissum pietate superna, illumina custodi rege et guberna Amen. Eripe me de enemecis meis Angele Dei et ab insurgentibus in me libre me:
Micael Salve
Gabriel Deus
Rafael Suita
Uriel Casarca
Setiel Salacte
Judiel Meus
Baraquiel Etipani
panalangin para kay san miguel
Si San Miguel ang puno ng lahat, Pangulo at Unang ministro ng Dios.
PANALANGIN
Oh maluwalhating San Miguel arkanghel, prinsipe ng mga angeles at kapitang-general ng mga hukbo ng poong dios, sa iyong karangalan at kapangyarihan, ay nagtagumpay ka laban sa prinsipe ng kapalalu-an na punong si lusbel na hari at emperador ng sang-impierno. Ipinag-aamo-amo namin sa iyo ng lubos na paggalang na kami'y tulungan upang makamtan namin ang aming kaluluwa, at ipagkaloob sa amin kung mangyayari, na kami'y mamatay sa malaking pag-ibig kay kristo jesus na namatay sa krus ng dahil sa amin, Siya Nawa.
ORATIO
Deus beate micaeli principe astantie et sume celestium espiarum prefiante sub-auxile saluti fise crusis glorieusum de super bissime demoniarca triumpum dediste te quesumus ut nobis armantibus frontem nostram signo salutari nomen que predicti micaelis triumpatoris invecantibus fortitudienem ac victoriam, contra visibles et invisibles hostes concedas ut nos vivere ab illerom impedimente secundum tua divina mandata vitam nostram ducere valeamus per deminum nostrum jesucristum, Amen.
Summae sedes minister arcangele micael, princepe militine caelestis, qui venisti in adjutorium populo dei, sub veni mihi apud altissimum judicem, ut mihi donet remissionem peccatcrum meorum, propter multis gravato. Adesto quaesum mihi ut ad dei voluntatem omnes actus meos dirigas, et ut me ab insidiis inimiei et ab omnibus malis mihi, quaeso, in hora mortis meae, et festina in auxilium meom cum angelorum multitudine, ut anima meam de faucibus daemonis eripias, et eam in requiem sempiternam exulatatiene perducamur, Amen.
Sancte Micael defende nos in proelie. Ut non pereamus in deus cujus claritatis pulgore beatus micael arcangelus praecessit agminibus angelorum, praesta quaesumus ut sicut ille two dono principatum meriit possidere caelestem, ita nose ejusdem precibus vitam obtineamus aeternam, per Cristum Dominum Nostrum.
ORACION UPANG MALIGTAS SA MADLANG SAKUNA
ESTO MIHI BALTEUS ET DA MIHI PRODEO ET IN DEO MORI
Si san Miguel ang bantay kung araw ng linggo, kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
ORACION
DOMINE SALVATORE SALVAME SALVAFE ET PERATUM TUUM.
PANALANGIN PARA KAY SAN GABRIEL
Si san gabriel ang kalihim pangkalahatan pinagkatiwalaan ng dios ng mga lihim na gawa, kaya't ang taglay niya ay palma at bandila
PANALANGIN
Oh mapalad na arkanghel san gabriel, tanging sugo o' embahador ng kalakilakihang lumalang ng sangsinukob; maging sagisag ka nawa ng aming kaluluwa at mapag-adyang sandata laban sa mga hibo at tukso, at yayamang ikaw ang tinatawag na katibayan upang kami'y magtagumpay sa lahat naming kaaway,at upang aming mapagtiisan ang lahat ng kahirapan dito sa lupa na bayang kahapis-hapis na siya naming maging hagdan ng aming pagtungo sa kaluwalhatian ng langit, siya nawa.
ANTIFONA
Yngresius gabriel angelus ad maria dixit: Ave gratia plena dominus tecum benedicta tu in melieribus. Angelus domine nuntiabit marie et concepiet de spirito sancto.
ORATIO
Deus humane salutaris amator qui beatum gabrielem principe astantem et tuae fortitudines legasti ad anunciandum gloriese virginne immaculatae sacramente incarnatienis fili tui domine.
Nostri jesucristo humiliter potinus confugientibus nobis ad presiedium tanti. Paranimpe qui intercessione hostes considere digneris. Per eudem dominum nostrum jusum christum, Amen.
ORACION UPANG MALIGTAS SA SIGNOS PLANETAS
ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDENEM IMPARTIENDO
Si san gabriel ang bantay kung araw ng lunes, kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
ORACION
ABEREHEM SALVATOREM ET PREGENTEM
PANALANGIN PARA KAY SAN RAFAEL
Si San Rafael ang Mayordomo ng Poong Diyos kaya ang taglay niya ay isda at tinapay.
PANALANGIN
Oh kamahal-mahalang Arkanghel San Rafael, kagamutan ng Diyos para sa kagalingan ng mga tao, sa lubos na pagpapakumbaba ay ipinag-aamoamo namin sa iyo na ikaw nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat naming kailangan, at gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos ng sugat ng mga kasalanan, at gamutin mo rin ang mga sakit at karamdaman ng aming katawang lupa, upang magkamit kami ng kaligayahan dito sa lupa at sa langit man, Siya Nawa.
ANTIFONA
Rafaele Principe ait: EGOSUM UNUS EX SEPTUM QUI ASTAMUS ANTE DOMINE TOBIAM QUE SECUN ILLUM INOVIT ET DEMONIUM APREHENDIT RELEGAVIT QUI ILLUD IN DESERTO.
ORATIO
Deus qui extua inefabile benitate Beatum Rafaelem fidelibus tuis beateribus doctorem male que habentibus medicum ab incie constituiste suppliciter rogamus ut nobis imflerentibus opendicte. Principes astantis patefacius semitam salutis et egretudinumtam anime quam corporis salutatem medicam conceda. Per dominum nostrum Jeusm Christum, Amen.
Oracion upang maligtas sa mga Sakit at Karamdaman
ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORIS ET ANIMAE
Si San Rafael ang Bantay kung araw ng Martes, kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
ET CELIM ET CRUCEM ET CERGINEM
PANALANGIN PARA KAY SAN URIEL
Si San Uriel ang Hustisya Mayor sa langit, kaya't ang kanyang taglay ay timbangan at espada.
Panalangin
Oh dakilang Arkanghel San Uriel, ikaw na maliwanag na Ama at Panginoon ng kalahat-lahatang ilaw, ikaw ang tanging tanglaw ng mga nasa kadiliman na nagugumon sa kasalanan, idinadalangin namin sa iyo na balutin mo ang aming puso ng kasanto-santusang pag-ibig at alisin mo sa amin ang dilim at ulap ng mga kasalanan upang makita namin at makamtan ang liwanag ng kanyang kaluwalhatian, ngayon at magpakailan man, Siya Nawa.
ANTIFONA
Oh fulges divinis magistatis Oh ruber in beate potestatis, oh flamma ignite caritatis, illumina mentes nostras ne inducamur intentationem et glaudie tui potestatis nostrure digneris.
ORATIO
Deus qui ex-incomparable tua clementia Beatum Urielem illuminationis tui ministrem inefabile caritate ardentem tuis fidelibus vigilem tutorem prepulsantem tentamenta daeminium sociaste tribue quesumus ut nos recurrentes atatelam tantis esplandoris dopolisis mentis nostri tenebris agnus cames ea que nobis salutaria sunt et latentes demonum tenticulos penitus declinenus. Per dominom nostrum Jesum Cristum. Amen.
Oracion para sa pangpalubag-loob
ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR
Si San Uriel ang bantay sa araw ng Miyerkules kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
Oracion
OLIVERATOR ET SALVATOR ET SALVATOREM
PANALANGIN PARA KAY SAN SETIEL
Si San Setiel ang tagapaghain at taga-panalangin sa Diyos ng anumang magaling na gawa natin, kaya't ang kanyang taglay ay Incensario.
Panalangin
Oh kataka-takang Arkanghel San Setiel, seraping lipos ng alab ng maluwalhating pag-ibig, ikaw nga ang tinatawag na Panalangin ng Poong Diyos na Panginoon ng lahat, at dahil sa amin ay dumadalangin ka ng walang humpay na kami ay kaawaan. Idinadalangin namin sa iyo na hingin sa Poong Diyos na alisin sa amin ang lahat ng bagay na di niya kinalulugdan at ihalili ang kabanalan na ipagiging dapat sa kanya ng aming kaluluwa, upang papagkamtin ng kanyang mahal na biyaya sa kaluwalhatiang walang hanggan. Siyanawa.
Antifona
Magna minister misericordie Dei petende et omnium fidelium Patrone Beate Setiel, contemplare quaesumus nostram humanam fragilittem ne nostros ab horeas reatus neve de digneris pro nobis semper orares dedimitare Jesum vestrum redentorem qui sedenes ad dexterram Dei Patris dignatus est esse noster advocatus.
Oratio
Deus misericordiarum Deus indificienes que pro imbecilitatis humane beatibus beatum Setielem tui misericordie ministrum oratem pronobis ab imitio esse voluiste to suplices precamur ut tanti. Patroni Patrecinie et oratoris oratione nes ab omnibus malis in minentibus eriperi nostras que iniquitatis secumdum multitudinom miserationum tuarum abolere disneries, per Dominum nostrum Jesum Christum, Amen.
Oracion sa paghingi ng tawad at awa sa Diyos
PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORUM MIHI PULCRUM
Si San Setiel ang bantay sa araw ng Huwebes kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS
PANALANGIN PARA KAY SAN JUDIEL
Si San Judiel ang tagapag-biyaya at taga-pagkaloob ng awa ng Poong Diyos kaya ang kanyang taglay ay balutan ng mga bulaklak
Panalangin
Oh kahanga-hangang Arkanghel San Judiel, ikaw nga ang tinatawag na tagapag-pahayag ng puri at karangalan ng Poong Diyos, kaya ikaw nga ang aming tinatawagan at dinaraingan sapagka't sa iyong mga labi lamang nagmumula ang matatamis na papuri na nagbibigay ng tuwa't ligaya sa kalakilakihang lumalang ng sangsinukob. Kaya nga ipinagaamo-amo namin sa iyo na kami'y mapabilang at mapasama sa mga nagpupuring walang humpay sa Kanyang kaluwalhating walang hanggan. Siya Nawa.
Antifona
Judiel operum nostrorum sedule espectator et que renumerator sapiente, Dei minister virginum que custos que ligitime certantes corona donas omondadus corrispis flagelio consulo, subre in que nobis, rogamus suplices ut a delinquenali lapsu cite resurgamis.
Oratio
Deus omnipotens et omnium operum inte estimator qui per Sanctum Judielem. Optime consilii tui ministrum bonorum que remuneratorem ad to constitutum premia retribuis improbis vere correctionem infligiote humiteter quaesumus ut nobis implorentibus opemtanti principes bone consulentis inste que renumerantes tua iluminatrix gratia dirigat nostrus actus in lege tua revacorque flagelationem pro nostris offensis irrogandum. Per Dominum Nostrum Jesum Christum. Amen
Oracion upang mailigtas sa apat na elemento
ESTO MIHI UMBRACOLUM ET FACME ISSIDIUM INCOMPETENDO DOMINO
Si San Judiel ang bantay kung araw ng Biyernes kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM
PANALANGIN PARA KAY SAN BARAQUIEL
Si San Baraquiel ang tagapag-alaga sa langit at lupa at siya ang taga-tulong at taga-ampon sa lahat ng kampon ng Poong Diyos kaya siya ay may dalang bata.
Panalangin
Oh kagandagandahang Arkanghel San Baraquiel puspos ng kaluwalhatian ng langit pinagpala kang lubos at sa iyong karangalan ay tinawag kang Bendisyon ng Poong Diyos. Ipanag-aamoamo namin sa iyo ng buong taimtim na kung mangyayari na sa pamamagitan mo ay makamtam namin ang bendisyon ng Poong Diyos, ngayon, bukas at magpakailanman. Siya Nawa.
Antifona
Sancti spiritus domorum benedictionesque at gratise divinae minister Sancto Baraquielem era ut Deus infundat nobis, spiritum fortitudine spiritum sapiente, spiritum veritatis, que adversus daemonium insidias corporis que fragilitatem, mundi quoque tenebras, et inquinamenra resitere sanctis que operibus insudare velearus.
Oratio
Deus bonorum omnium largitur opem at gratiam tuam concede nobis quaesumus fine que nihil a nobis effici potest ut per inspirationem. Sancti spiritus nos incumberdis bonis operibus Sanctum Baraquielem habere mereamur adentorem ad defelondum mentis nostri dubietatis ut agnus camus que nobis necitusa sunt serenatis que sensibus nostris benedictiones et gratiae tui sempiterni capaces officiamur. Per Dominum Nostrum Jesum Christum et in unitate spiritus Sancti Deus, per omnia saecula seculorum. Amen
Oracion upang maligtas sa lisyang hatol ng hukom
OBTI MIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPERARE A DEO
Si San Baraquiel ang bantay kung araw ng Sabado kaya't siya ang dapat tawagan sa araw na ito.
AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE
Eto ang ilan sa mga orasyon na nais kong ibahagi sa araw na ito ng Biyernes Santo para sa mga magbibiyahe:
1. Oracion sa pagkababa ng sasakyan upang makaiwas sa disgrasya
SPIRITO AMATAR ADARSI OLIOM FACTORIM ABISMO AMEN
2. Sa lakas -- bulong sa kamay tatlong tapik sa bubuhatin
BATO CRISTE ARMA BACALARA
3. Lakas -- tatlong tadyak sa lupa
SANTONG JOB TIRAC BATO TIRAC BATO TIRAC BATO
4. Orasyon kung mag-iiwan ng gamit upang hindi pakialaman
SABARAC HABARAC HABARAC SARAC OLAP
5. Orasyon habang naglalakbay ang sasakyan
VERBO JESUCRISTO JESUS IMPASI
at
JESUS CHRISTI SALVE ME
JESUS CHRISTI LIBRE ME
6. Orasyon laban sa mga masasamang loob
CURATIS VERBUM QUIA EGOSUM JESUS EGOSUM MARIA TRAJOME
7. Tagaliwas sa kapahamakan
ESMERENCIANA SUMITAM APHILAM GOAM LAMOROC MILAM
8. Pampawi ng gutom bulong ng tatlong beses sa tubig na iinumin
OPHEVETE
9. Papondo sa kaaway o masasamang loob
ATME HUIV RESEOC
o kaya
EGOSUM GUSAMAC CRISTONG GUSAC MAC
I-ILANG MGA ORASYON NG PBMA
Biyernes, Agosto 17, 2012
LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS AYON SA BANAL NA KASULATAN
LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS AYON SA BANAL NA KASULATAN
GANITO ANG ATING MABABASA SA BANAL NA KASULATAN SA:
MATEO 12:25
Nang panahon yaon ay sumagot si jesus at sinabi, Akoy nagpapasalamat sa iyo. Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:
MATEO 21:16
At sinabi nila sa kanya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni jesus, Oo: kailan man baga'y hindi nyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay inyong nilubos ang pagpupuri?
MGA AWIT 8:1-9
1 Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! Na siyang naglagay ng iyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 Mula sa bibig ng ng mga sanggol at mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, Dahil sa iyong mga kaaway, Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 Pagka binubulay-bulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at mga bituin na iyong inayos;
4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagkat iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa:
7 Lahat ng tupa at baka,Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at mga isda sa dagat.
9 Oh Panginoon, aming panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
DIYAN NAPAPALOOB ANG SINASABING LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS GAYA NG SINASABI SA:
JUAN 1:1-4
1 Nang pasimula sya ang VERBO, at ang VERBO ay sumasa Dios, at ang VERBO ay Dios.
2 Ito rin ng pasimulay sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan nya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala sya.
4 Nasa kanya ang BUHAY; at ang BUHAY ay siyang ilaw ng mga tao.
JUAN 1:9-12
9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid bagay ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan.
10 Siyay nasa sanglibutan, at ang sanglibutay ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.
11 siyay naparito sa sariling kaniya,at siyay hindi tinanggap ng sariling kaniya.
12 Datapuwat ang lahat ng sa kaniyay nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, samakatuwid bagay ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.
ANG SINASABING PANGALAN NG DIYOS AT SIYANG DIYOS AY NAKATIRA SA BAWAT TAO NA KUNG INYONG HAHANAPIN AY MATUTUKLASAN NYO SIYA, SAPAGKAT ARAW AT GABI AY KASAMA NATIN SIYA, SAMANTALANG SIYAY BUHAY AY NABUBUHAY DIN NAMAN TAYO.
Sabado, Agosto 11, 2012
gayuma
GAYUMA
Isa sa mga orasyon na laging tinatanong sa akin ng mga kaibigan natin ay ang orasyon na magagamit para sa pag gayuma ng tao. Ang orasyon na ituturo ko ay talagang malakas at uulitin ko, na huwag abusohin ang kapangyarihan nito.....nasubokan ko narin ang lakas ng orasyon na ito at masasabi ko talaga na hindi ito isa biro....Huwag din ninyo gamitin ang orasyon sa mga taong ang edad ay 18 pababa dahil may kamalasan talaga ang darating sa inyo pag nilabag ninyo ito.
Una ay kumuha ng isang maliit at malinis na papel, siguraduhin na ang papel ay hindi pa nagagamit. Tapos ay kopyahin ang larawan na nasa ibaba pati na ang orasyon na nakalagay.
Pagkatapos makopya ang larawan ay dasalin ang (Our Father 7x, Hail Mary 7x at Glory be 7x).Dasalan ang papel tuwing araw ng Martes at Biyernes at magsinde din ng tatlong kandila sa mga araw na ito. Dalhin ang papel kahit saan kaman pupunta at kung nais gamitin ay hawakan lamang ang baso na lalagyan ng kahit anomang inumin tapos ay ibulong ang orasyon( Hesus Hesus de Hesus, Sos Sos Hesus Pahinongod San DAvid) sa inumin at ibigay sa taong nais gayumahin. Pagkatapos nito ay maghintay lang ng mga limang minuto at makikita muna ang epekto nito. Mas malambing na ito sa iyo at madali na itong susunod sa kagustuhan mo.
Biyernes, Hulyo 13, 2012
MAIKLING KASAYSAYAN NG LANGIT
maikling kasaysayan
MAIKLING KASAYSAYAN NG LANGIT
Nang wala pa ang mundo ay inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroonsiya ng isang kasangguni na makakatulong. Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot sa kanyang ulo ang limang TITIK na may sinag at nagni ningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na GUMAMELA CELIS na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng mundi (ROSA MUNDI ) , at ang limang titik na nabanggit ay dili iba kundi ang matamisna pangalang M-A-R-I-A, na sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN.
Nang hindi pa ginagamit ang pangalang MARIA, BULAKLAK lamangang tawag ng Dios sa naging kauna-unahang bunga ng kaniyang pag-iisip. Angunang inihanda ng Dios na pasimula ng kanyang paglikha ay ang IMPIERNO o AVERNI na nasa ibaba at dakong kailaliman. Ganito ang sabi niya sa BULAKLAK : ''Ikawmuna ay aking iiwan, bantayan mo ang aking Kaban ng Tipan na huwag mongpangangahasang buksan, at kapag hindi mo sinunod ang aking bilin sa iyo aymananaog ka sa aking gagawing lupa at magpapakasakit upang tipunin ang mgasumabog at nangawalang virtud". Nang masabi ng Dios ang gayon, ay nanaog na siya sa kailaliman upang ihanda ang isang malungkot na tahanan ng kanyang mga piling Arkanghel na lilikhain na magsusuwail sa kaniya. Nang maka-alis na ang Dios ay binuksan ni Bulaklak ang nasabing Kaban ng Tipan sa hangad na makilala ang katotohanan at katuparan ng mga sinabi sa kanya. Ng mabuksan na ang kaban ay biglang lumabas ang tatlong letrang "B" na may mga pakpak at nagsilipad. Ang tatlong titik na nabanggit ay ang BAM BAU BIM na tatlong salitang kung sabihin ay TRES VIRTUDES na lubhang mahimala at makababalaghan. Ng magkagayon ay biglang isinara ni Bulaklak ang kaban, subalit ang tatlong "B" ay nakalabas na at hindi na niya nakita. Ng dumating ang Dios buhat sa kailaliman, ang sabi sa Bulaklak ay ganito : "Ngayon ay matutupad sa iyo ang aking sinabi na mananaogka sa lupa at magpapakasakit". Ginawa na nga Dios ang PLANO o ang ANYO ngkanyang mga lilikhain at gagawin: tubig, apoy, hangin, lupa, langit, mga kahoy at halaman, mga tao at mga hayop, araw, buan at bituin, ngunit una at higit salahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa paglikha at paggawa.
Ng mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng Dios kay Bulaklak na kaniyangkasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual, ngunitkailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng Dios,ang malalaking kahoy at ang maliliit at mabababa ay maliliit naman ang bunga..Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa aykailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliitna bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyangdapat bigyan ng malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, sapagka'tsinabi ni Bulaklak na ang matatayog at malalaking kahoy ay sisilungan ng mga taohayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy aymahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito ay maytaong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang tao, kaya'tito ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak.
Ginawa ng Dios ay binago. Ang malaki at matayog ng kahoy aysiyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbungang malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak. Ng nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Ng siya'y nag-iisip ay biglasiyang pinawisan sa taguilirang kanan, at ng kanyang iwaksi ang labing anim nawisik ng pawis ay naging labing anim na Espiritu. Muli siyang nawisan sataguilirang kaliwa at walong butil na pawis naman ang sumipot at ng iwaksi aynaging walong Espiritu rin. Ganyan ang sabi sa kasay-sayan. Sa dalawampu't apatna ito ay hinugot niya ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang ginawangplano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang AVELATOR AVETEMET AVETILLO. Ito ang Tatlong Personas o Santisima Trinidad na nag-usap pangpasimulan ang paglikha.
Nang nag-uusap na ang Tatlo ay nakatanaw sila sa malayong malayo sa dakongkailaliman, ng tatlong liwanag na nagniningning na tumataas at patungo sadakong kinalalagyan nila. Ang buong akala ng Tatlo ay sila lamang ang una atsila lamang ang Dios, ngunit ng makakita sila ng iba ay sumaloob nila na may ibapang Dios na katulad nila. Ang nasabing liwanag ng malapit sa tatlong nag-uusapay tumapat ang isa sa bawa't isa at ng kanilang mamasdan ay tatlong titik nanag niningning na S.T.M. na ang sabi sa kasaysayan ay SAU TUM MUP na naging tatlong bato na kanilang uupuan. Ng sila'y uupo na, ay nakita nila sa ibabaw ng bawa't bato ay may tig-isang salitang nakasulat na ARDAM ARADAM ADRADAM. Ang tatlong salitang ito ang ay siyang tunay na pangalan ng Tatlong Personang nag-uusap. Ang mga pangalang ito ay dapat ilihim at hindi dapat sabihin kundi doon lamang sa karapat-dapat pagsabihan.
Sa pag-uusap ng tatlo ay pinagkaisahan nila na gawin at palitawin ang lupa, subalit ng lumitaw ang lupa ay gayon na lamng ang kanilang pagtataka at panggigilalas sa kanilang nakita na pitong bakas na hindi nila maubos malirip kung bakit nagkaroon ng gayon ay hindi pa sila lumilikha ng tao, kaya't inisip nila na hanapin upang makilala kung sino-sino ang mga may bakas niyaon. Sa kanilang paglalakad ay natagpuan nila ang nasabing pito, subali't ng tanungin nila upang makilala ay ayaw magsabi ng kanilang pangalan, at ang sagot pa sa tatlo ay wala silang paki-alam sa kanila at sila'y hindi nila nasasakupan.
Sa sagot na ito ay umalis ang tatlo at iniwan na ang pito upang magbalik sa kanilang upuang bato, ngunit sa pag babalik nila ay nakatanaw sila sa malayo ng dalawa katao na hindi rin nila mapagsino, Totoong nagugulumuhanan ang tatlo sa nangyayaring ito, kaya't ang ginawa ng tatlo ay nilapitan ang dalawang nakita at kanilang tinanong, subali't ang sagot ng dalawa ay kagaya rin ng pito, na hindi sila dapat paki-alaman at sila'y hindi nila nasasakupan, at ang sabi pa sa kanila : Ng hindi pa yari ang sangtinakpan, gumawa na kami ng aming sariling tahanan, sa litid ng mundo kami tumatahan. Sa sagot na ito ay iniwan na ng tatlo ang dalawa upang magtuloy sa kanilang upuan at magpatuloy na sa kanilang paglikha at paggawa. Pinagkayarian ng tatlo na gawin ang liwanag na tatanglaw sa sangsinukob, at sinimulan na nga nila ang paggawa sa araw.
Nang mayari na nila ang araw ay hindi nila mabigyan ng lubos na liwanag, ng ningning at ng init. Walang ano-ano ay nakarinig sila ng isang tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila sa araw ay ang matandang babae na kanilang nakita na tumatahan sa litid ng lupa, kaya ang ginawa ng Ama ay inutusan ang Anak sa sinasabing matandang babae upang hingin ang kanilang kailangan. Ng lumakad na ang Dios anak ay biglang nagdilim ang dinaraanan at hindi malaman ang patutunguhan kaya't siya'y napatigil at sa pagtigil niya ay may tinig siyang narinig na nagsabi sa kanya na ganito ang iyong sabihin upang magliwanag at ng makita niya ang kaniyang dinaraanan .
Ang salita ay ganito : LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC. Ng ito'y masabi ay biglang nagliwanag ang kanyang daraanan, kaya't siya'y nagpatuloy. Ng siya'y dumating sa litid ng lupa na tinatahanan ng nasabing matandang babae ay tumawag siya, ngunit walang sumasagot bagama't nararamdaman niya na may mga tao sa loob. Ng siya'y ayaw buksan at ang matandang babae ay hindi niya makausap,, ay nagbalik siya sa Amang nag-utos upang ipagbigay-alam ang nangyari.
Ng matanto ng Ama ang nangyari ay pinabalik ang Anak at ang bilin niya pagdating sa pinto ng tahanan kueba ng matanda ay ganito ang sabihin: "Credo de la Sanctisima Trinidad Virgen Muy Poderoso Sumitam Rey de los Erejes Tartan Sancta Emerenciana, Mibat Miallarat Jesus Virgen Maria Isumo Benedictus Crucis, Oh Deus Imitam Imibuyos Deste Allisum Seram Calabarian Apocalipsis Hoc Est Enim Corpus Meum, Et Incarnatus et de Spirito Sancto, Natus Ex Maria Virgine Et Emo Cactus est et crucifixus: Sancta Emerenciana, Santo Ustolano. Sancto Algamo, Sancto Mitam Sancto Solamitam , Sancto Icam Sancto Demicallote Sancto Demillorus, Adveni Dissimo Loctuos , Sancta Mitam Ceram Balambam Guntillan Mujer Angelitam Singratam Obalam Tantan. Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob, Santo Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Jesus Sancto Sancto Baclorum"
Nang dumating ang Dios Anak sa pinto nang nasabing kueba ay tumawag siya sa matandang babae at ng siya'y ayaw buksan ay sinambit ang mga salitang sinabi ng Ama. Matapos niyang banggitin ang mga nasabing pangungusap, ang pinto ng kueba ay biglang nabuksan at lumabas ang matandang babae. Sinabi ng Dios Anak ang kanyang sadya, at ipinagkaloob naman ng matanda ang hinihingi ng anak ng Dios.
Dumukot ang matandang babae sa kanyang sukbitan at isang bubog na nagniningning ang ini-abot sa Dios anak, at ang bilin ay ikuskos ang nasabing bubog sa mukha ng araw upang magliwanag at magkainit. At gayon nga ang ginawa ng Dios Anak, ikinuskos sa mukha ng araw, at ang araw ay uminit, nagningning at nagliwanag.
Nasa ganitong kalagayan ng sila'y makarinig ng isang tinig na hindi nila napagsiya, kaya't kanilang sinundan at ng kanilang abutan ay isang ulilang liwanag ang kanilang nakita. Tinanong nila kung sino siya at ang sagot sa kanila siya'y mata, at biglang lumagpak sa kanilang harapan ang isang matang may pakpak. Nang kanilang dadamputin ay biglang lumipad ang matang may pakpak at kanilang hinabol hanggang sa gitna ng dagat . Ang matang tumalsik ay biglang nabasag at naging tatlong piraso na naging tatlong isda at sa katawan ng bawa't isa ay nakasulat ang tig-iisang salita na ARAM ADAM ACSADAM
Nang sundan ng tatlong Personas ang talong isda ay biglang lumubog at nawala at naging tatlong batong lumubog sa pusod ng karagatan. Sinundan din ng tatlong Personas at hindi hinihiwalayan hanggang sa sila'y sumapit sa kaibuturan ng dagat. Ng sila'y sumapit sa lugar na yaon, ay nakakita sila ng isang malaking bato at sa libis ng nasabing bato ay may isang matandang naglalakad, at siya ay kanilang sinundan at ganito nga ang sabi sa Kasaysayan. Nang ang Tatlong Persona'y naglalakad sa kaibuturan ng dagat, nakasumpong sila at nakamalas, isang matandang naglalakad sa libis ng bato ARA ang pamagat. Sa gayon ang Dios Ama ay nangusap SANCTUS DEUS, Ang Dios Anak ay sumagot SANCTUS FORTIS, Ang Espiritu Santo'y nagsulit SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may sumagot na boses wika'y MISERERE NOBIS. Ang Tatlo'y lumingon pagdaka sa boses na nagbadya, aba anong katakataka, tayo pala'y may kasama. Halina't ating hanapin at ng ating masumpungan, nang matagpuan ang matandang sinusundan sa bato'y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato'y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas ....PAPURI SA DIYOS!!!!!!!
Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLAPAC MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.
****(SIMULA SA LIMBOR hanggang CALICUB ay magandang kasama sa pambukas na panalangin)
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sinasambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MISERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng banal na Dios Ama kay Jesus na anak niya di inabot at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y pumasok kapagpagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ng anak na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM EST JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato :BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGOSUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY SANCTO MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPASang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sa itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunong Infinito, ay kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita ang liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga herejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga herejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-upo sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SALVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boor. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L......M.... at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Herejes, ako ang abang san pascual naparito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapan na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag
ang panimula (istorya ni adan at eva)
Sino kamo yong unang nilalang na Babae at Lalake,ito ay si Adan at si Eva. Ang Pangalang Adan ay Kinuha sa 4 na Buntala, at ang Pangalan naman ni Eva ay nanggaling sa tatlong Great rivers.
Ngayon ang Dalawa'y pinagpala ng Dios at silay nagkaanak.
Sa Biblia o BANAL NA KASULATAN ay di palaging binabanggit ang mga Ngalan ng Babae,bagkus mga lalake lamang. Sangayon sa lihim na kasaysayan .si Adan at Eva ay naganak ng dalawang lalake ngunit di binanggit na silay parehong may kakambal na kapatid na babae. kaya ang balak talaga ay mag cross breeding sila. ang kakambal ni Cain ang magiging asawa ni Abel ,at ang kakambal naman ni Abel ang magiging asawa ni Cain. Ngunit sa di nagustuhan ni Cain ang kakambal ni Abel na magiging asawa nya ,Kaya nagseselos si Cain Dahil ang kakambal niya na napakaganda ay mapapangasawa ni Abel at ang Pangit na kakambal ni Abel syang magiging asawa nya. kaya sa pangyayaring yon di niya matanggap na Pangit ang magiging asawa nya,(non palang kapanahunan nila ay may pangit na).kaya ang nangyari pinatay niya si Abel para mapangasawa niya ang kakambal niya.Nagaalay si Cain sa Panginoon ay hindi ito tinanggap sapagkat itong si Cain ay may galit na kay Abel at ang iniisip niya na ang gusto niyang mapangasawa ay ang kakambal niya ,at hindi ang kakambal ni Abel. iyon ang unang pagpatay ng tao sa kapwa. Umalis si Cain at tumira sa loob ng cueva ,na ang tawag ay cave of jewels, dahil sa mga nagkikislapang mga batong hiyas doon. at Si Adan at Eva ay nagkaanak pa ng isang lalake si Seth,na tumira naman sa itaas ng bundok. at silay tinawag na mga anak ng Dios. Sa Biblia ay di gaanong ipinaliwanag ang dahilan kung bakit pinatay ni Cain si Abel na kapatid niya.
PASIMULA
NG HINDI PA YARI ANG LANGIT AT LUPA ,
ANG PANGALANG MARIA SA DIOS INISIP
NA MAGAARUGA AT MAGTATANGKILIK,
SA DIVINO PASTOR NITONG SANGDAIGDIG.
NG GAWIN NG DIOS NA HARING MARANGAL
ITONG BUONG MUNDO NA KANYANG NILALANG.
AY ARAW NG LINGGO NG ITO'Y SIMULAN,
NG CREAVIT SANCTIBUS CLARUM ET TERRAM.
NG KINABUKASAN ARAW NG LUNES, AY SIYANG
PAGGAWA PERMAMENTENG LANGIT,
SAKA NAMAN YAONG LUPA AT ELEMENTONG TUBIG
NA MAYROONG MATABANG ,MAALAT, MAPAIT.
NG ARAW NG MARTES AY SIYANG PAGGAWA,
SARI SARING HAYOP AT HALAMANG MADLA.
YAONG TANANG HAYOP NA NAGSISIGALA,
TALAGA NG DIOS SA TAO'Y BIYAYA.
ARAW NG MIERCULES GINAWANG SARILI,
ANG ARAW AT BUWAN BITUING MARAMI,
YAONG TANANG TALA SA LANGIT PALAMUTI
MAKALILIWANAG NITONG BUONG ORBE.
NG ARAW NG HUEVES ISINUNOD NAMAN
SARI SARING IBON NA NAGLILIPARAN
AT ANG TANGING ISDA SA TUBIG ANG
TAHAN,SA TAO'Y TALAGANG PAKIKINABANGAN.
NG ARAW NG VIERNES ANG SABI SA BANAL NA AKLAT
BILANG IKA ANIM NG ARAW NA HUSTO,
AY SIYANG PAGGAWA'T PAGLIKHA SA TAO,
NUNO NATING ADAN SUMAPARAISO.
SAKA MATAPOS AT NG MABUO NA GINAWANG
LARAWAN SA TAONG ITSURA,
NILAGYAN NG SENTIDOT SANGKAP NA POTENCIA
SAKA HININGAHAN_ _ _ _ _ AY NAGING TAO NA.
SANGAYON SA BANAL NA KASULATAN, YAONG INIHIKAB
PANGALAN NG DIOS, NA KARAPAT DAPAT SA SINO
MANG TAONG MAKAPAG IINGAT NG AKLAT NA ITO AY
IPAGTATAPAT.AMEN.
Marami po ang tataas ang kilay at di makakaunawa sa mga bagay na iyan dahil taliwas dyan ang turo at ipinapalagay ng ibangmga Cristiano, Pero sa tulad nating mga Cristiano masasagot natin kung sino nga ba ang unang dalawang tao na nilalang ng Tatlong Personas. Bakit nakahanap si Cain ng napangasawa ganun din si Set. at noong palayasin si Cain sa Eden malinaw na may ibang mga tao na bukod sa kanila dahil sinabi ni Cain sa Dios "Napakalupit naman ng parusa ninyo sa akin maaaring patayin ako ng makakakita sa akin" Pero sinabi ng Dios na lalagyan niya si Cain ng tanda at paparusahan niya ang gagalaw kay Cain.
maikling kasaysayan
MAIKLING KASAYSAYAN NG LANGIT
Nang wala pa ang mundo ay inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroonsiya ng isang kasangguni na makakatulong. Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot sa kanyang ulo ang limang TITIK na may sinag at nagni ningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na GUMAMELA CELIS na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng mundi (ROSA MUNDI ) , at ang limang titik na nabanggit ay dili iba kundi ang matamisna pangalang M-A-R-I-A, na sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN.
Nang hindi pa ginagamit ang pangalang MARIA, BULAKLAK lamangang tawag ng Dios sa naging kauna-unahang bunga ng kaniyang pag-iisip. Angunang inihanda ng Dios na pasimula ng kanyang paglikha ay ang IMPIERNO o AVERNI na nasa ibaba at dakong kailaliman. Ganito ang sabi niya sa BULAKLAK : ''Ikawmuna ay aking iiwan, bantayan mo ang aking Kaban ng Tipan na huwag mongpangangahasang buksan, at kapag hindi mo sinunod ang aking bilin sa iyo aymananaog ka sa aking gagawing lupa at magpapakasakit upang tipunin ang mgasumabog at nangawalang virtud". Nang masabi ng Dios ang gayon, ay nanaog na siya sa kailaliman upang ihanda ang isang malungkot na tahanan ng kanyang mga piling Arkanghel na lilikhain na magsusuwail sa kaniya. Nang maka-alis na ang Dios ay binuksan ni Bulaklak ang nasabing Kaban ng Tipan sa hangad na makilala ang katotohanan at katuparan ng mga sinabi sa kanya. Ng mabuksan na ang kaban ay biglang lumabas ang tatlong letrang "B" na may mga pakpak at nagsilipad. Ang tatlong titik na nabanggit ay ang BAM BAU BIM na tatlong salitang kung sabihin ay TRES VIRTUDES na lubhang mahimala at makababalaghan. Ng magkagayon ay biglang isinara ni Bulaklak ang kaban, subalit ang tatlong "B" ay nakalabas na at hindi na niya nakita. Ng dumating ang Dios buhat sa kailaliman, ang sabi sa Bulaklak ay ganito : "Ngayon ay matutupad sa iyo ang aking sinabi na mananaogka sa lupa at magpapakasakit". Ginawa na nga Dios ang PLANO o ang ANYO ngkanyang mga lilikhain at gagawin: tubig, apoy, hangin, lupa, langit, mga kahoy at halaman, mga tao at mga hayop, araw, buan at bituin, ngunit una at higit salahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa paglikha at paggawa.
Ng mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng Dios kay Bulaklak na kaniyangkasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual, ngunitkailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng Dios,ang malalaking kahoy at ang maliliit at mabababa ay maliliit naman ang bunga..Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa aykailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliitna bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyangdapat bigyan ng malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, sapagka'tsinabi ni Bulaklak na ang matatayog at malalaking kahoy ay sisilungan ng mga taohayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy aymahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito ay maytaong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang tao, kaya'tito ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak.
Ginawa ng Dios ay binago. Ang malaki at matayog ng kahoy aysiyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbungang malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak. Ng nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Ng siya'y nag-iisip ay biglasiyang pinawisan sa taguilirang kanan, at ng kanyang iwaksi ang labing anim nawisik ng pawis ay naging labing anim na Espiritu. Muli siyang nawisan sataguilirang kaliwa at walong butil na pawis naman ang sumipot at ng iwaksi aynaging walong Espiritu rin. Ganyan ang sabi sa kasay-sayan. Sa dalawampu't apatna ito ay hinugot niya ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang ginawangplano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang AVELATOR AVETEMET AVETILLO. Ito ang Tatlong Personas o Santisima Trinidad na nag-usap pangpasimulan ang paglikha.
Nang nag-uusap na ang Tatlo ay nakatanaw sila sa malayong malayo sa dakongkailaliman, ng tatlong liwanag na nagniningning na tumataas at patungo sadakong kinalalagyan nila. Ang buong akala ng Tatlo ay sila lamang ang una atsila lamang ang Dios, ngunit ng makakita sila ng iba ay sumaloob nila na may ibapang Dios na katulad nila. Ang nasabing liwanag ng malapit sa tatlong nag-uusapay tumapat ang isa sa bawa't isa at ng kanilang mamasdan ay tatlong titik nanag niningning na S.T.M. na ang sabi sa kasaysayan ay SAU TUM MUP na naging tatlong bato na kanilang uupuan. Ng sila'y uupo na, ay nakita nila sa ibabaw ng bawa't bato ay may tig-isang salitang nakasulat na ARDAM ARADAM ADRADAM. Ang tatlong salitang ito ang ay siyang tunay na pangalan ng Tatlong Personang nag-uusap. Ang mga pangalang ito ay dapat ilihim at hindi dapat sabihin kundi doon lamang sa karapat-dapat pagsabihan.
Sa pag-uusap ng tatlo ay pinagkaisahan nila na gawin at palitawin ang lupa, subalit ng lumitaw ang lupa ay gayon na lamng ang kanilang pagtataka at panggigilalas sa kanilang nakita na pitong bakas na hindi nila maubos malirip kung bakit nagkaroon ng gayon ay hindi pa sila lumilikha ng tao, kaya't inisip nila na hanapin upang makilala kung sino-sino ang mga may bakas niyaon. Sa kanilang paglalakad ay natagpuan nila ang nasabing pito, subali't ng tanungin nila upang makilala ay ayaw magsabi ng kanilang pangalan, at ang sagot pa sa tatlo ay wala silang paki-alam sa kanila at sila'y hindi nila nasasakupan.
Sa sagot na ito ay umalis ang tatlo at iniwan na ang pito upang magbalik sa kanilang upuang bato, ngunit sa pag babalik nila ay nakatanaw sila sa malayo ng dalawa katao na hindi rin nila mapagsino, Totoong nagugulumuhanan ang tatlo sa nangyayaring ito, kaya't ang ginawa ng tatlo ay nilapitan ang dalawang nakita at kanilang tinanong, subali't ang sagot ng dalawa ay kagaya rin ng pito, na hindi sila dapat paki-alaman at sila'y hindi nila nasasakupan, at ang sabi pa sa kanila : Ng hindi pa yari ang sangtinakpan, gumawa na kami ng aming sariling tahanan, sa litid ng mundo kami tumatahan. Sa sagot na ito ay iniwan na ng tatlo ang dalawa upang magtuloy sa kanilang upuan at magpatuloy na sa kanilang paglikha at paggawa. Pinagkayarian ng tatlo na gawin ang liwanag na tatanglaw sa sangsinukob, at sinimulan na nga nila ang paggawa sa araw.
Nang mayari na nila ang araw ay hindi nila mabigyan ng lubos na liwanag, ng ningning at ng init. Walang ano-ano ay nakarinig sila ng isang tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila sa araw ay ang matandang babae na kanilang nakita na tumatahan sa litid ng lupa, kaya ang ginawa ng Ama ay inutusan ang Anak sa sinasabing matandang babae upang hingin ang kanilang kailangan. Ng lumakad na ang Dios anak ay biglang nagdilim ang dinaraanan at hindi malaman ang patutunguhan kaya't siya'y napatigil at sa pagtigil niya ay may tinig siyang narinig na nagsabi sa kanya na ganito ang iyong sabihin upang magliwanag at ng makita niya ang kaniyang dinaraanan .
Ang salita ay ganito : LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC. Ng ito'y masabi ay biglang nagliwanag ang kanyang daraanan, kaya't siya'y nagpatuloy. Ng siya'y dumating sa litid ng lupa na tinatahanan ng nasabing matandang babae ay tumawag siya, ngunit walang sumasagot bagama't nararamdaman niya na may mga tao sa loob. Ng siya'y ayaw buksan at ang matandang babae ay hindi niya makausap,, ay nagbalik siya sa Amang nag-utos upang ipagbigay-alam ang nangyari.
Ng matanto ng Ama ang nangyari ay pinabalik ang Anak at ang bilin niya pagdating sa pinto ng tahanan kueba ng matanda ay ganito ang sabihin: "Credo de la Sanctisima Trinidad Virgen Muy Poderoso Sumitam Rey de los Erejes Tartan Sancta Emerenciana, Mibat Miallarat Jesus Virgen Maria Isumo Benedictus Crucis, Oh Deus Imitam Imibuyos Deste Allisum Seram Calabarian Apocalipsis Hoc Est Enim Corpus Meum, Et Incarnatus et de Spirito Sancto, Natus Ex Maria Virgine Et Emo Cactus est et crucifixus: Sancta Emerenciana, Santo Ustolano. Sancto Algamo, Sancto Mitam Sancto Solamitam , Sancto Icam Sancto Demicallote Sancto Demillorus, Adveni Dissimo Loctuos , Sancta Mitam Ceram Balambam Guntillan Mujer Angelitam Singratam Obalam Tantan. Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob, Santo Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Jesus Sancto Sancto Baclorum"
Nang dumating ang Dios Anak sa pinto nang nasabing kueba ay tumawag siya sa matandang babae at ng siya'y ayaw buksan ay sinambit ang mga salitang sinabi ng Ama. Matapos niyang banggitin ang mga nasabing pangungusap, ang pinto ng kueba ay biglang nabuksan at lumabas ang matandang babae. Sinabi ng Dios Anak ang kanyang sadya, at ipinagkaloob naman ng matanda ang hinihingi ng anak ng Dios.
Dumukot ang matandang babae sa kanyang sukbitan at isang bubog na nagniningning ang ini-abot sa Dios anak, at ang bilin ay ikuskos ang nasabing bubog sa mukha ng araw upang magliwanag at magkainit. At gayon nga ang ginawa ng Dios Anak, ikinuskos sa mukha ng araw, at ang araw ay uminit, nagningning at nagliwanag.
Nasa ganitong kalagayan ng sila'y makarinig ng isang tinig na hindi nila napagsiya, kaya't kanilang sinundan at ng kanilang abutan ay isang ulilang liwanag ang kanilang nakita. Tinanong nila kung sino siya at ang sagot sa kanila siya'y mata, at biglang lumagpak sa kanilang harapan ang isang matang may pakpak. Nang kanilang dadamputin ay biglang lumipad ang matang may pakpak at kanilang hinabol hanggang sa gitna ng dagat . Ang matang tumalsik ay biglang nabasag at naging tatlong piraso na naging tatlong isda at sa katawan ng bawa't isa ay nakasulat ang tig-iisang salita na ARAM ADAM ACSADAM
Nang sundan ng tatlong Personas ang talong isda ay biglang lumubog at nawala at naging tatlong batong lumubog sa pusod ng karagatan. Sinundan din ng tatlong Personas at hindi hinihiwalayan hanggang sa sila'y sumapit sa kaibuturan ng dagat. Ng sila'y sumapit sa lugar na yaon, ay nakakita sila ng isang malaking bato at sa libis ng nasabing bato ay may isang matandang naglalakad, at siya ay kanilang sinundan at ganito nga ang sabi sa Kasaysayan. Nang ang Tatlong Persona'y naglalakad sa kaibuturan ng dagat, nakasumpong sila at nakamalas, isang matandang naglalakad sa libis ng bato ARA ang pamagat. Sa gayon ang Dios Ama ay nangusap SANCTUS DEUS, Ang Dios Anak ay sumagot SANCTUS FORTIS, Ang Espiritu Santo'y nagsulit SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may sumagot na boses wika'y MISERERE NOBIS. Ang Tatlo'y lumingon pagdaka sa boses na nagbadya, aba anong katakataka, tayo pala'y may kasama. Halina't ating hanapin at ng ating masumpungan, nang matagpuan ang matandang sinusundan sa bato'y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato'y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas ....PAPURI SA DIYOS!!!!!!!......ITUTULOY
Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLAPAC MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.
****(SIMULA SA LIMBOR hanggang CALICUB ay magandang kasama sa pambukas na panalangin)
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sinasambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MISERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng banal na Dios Ama kay Jesus na anak niya di inabot at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y pumasok kapagpagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ng anak na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM EST JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato :BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGOSUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY SANCTO MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPASang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sa itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunong Infinito, ay kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita ang liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga herejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga herejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-upo sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SALVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boor. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L......M.... at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Herejes, ako ang abang san pascual naparito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapan na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag
ang panimula (istorya ni adan at eva)
Sino kamo yong unang nilalang na Babae at Lalake,ito ay si Adan at si Eva. Ang Pangalang Adan ay Kinuha sa 4 na Buntala, at ang Pangalan naman ni Eva ay nanggaling sa tatlong Great rivers.
Ngayon ang Dalawa'y pinagpala ng Dios at silay nagkaanak.
Sa Biblia o BANAL NA KASULATAN ay di palaging binabanggit ang mga Ngalan ng Babae,bagkus mga lalake lamang. Sangayon sa lihim na kasaysayan .si Adan at Eva ay naganak ng dalawang lalake ngunit di binanggit na silay parehong may kakambal na kapatid na babae. kaya ang balak talaga ay mag cross breeding sila. ang kakambal ni Cain ang magiging asawa ni Abel ,at ang kakambal naman ni Abel ang magiging asawa ni Cain. Ngunit sa di nagustuhan ni Cain ang kakambal ni Abel na magiging asawa nya ,Kaya nagseselos si Cain Dahil ang kakambal niya na napakaganda ay mapapangasawa ni Abel at ang Pangit na kakambal ni Abel syang magiging asawa nya. kaya sa pangyayaring yon di niya matanggap na Pangit ang magiging asawa nya,(non palang kapanahunan nila ay may pangit na).kaya ang nangyari pinatay niya si Abel para mapangasawa niya ang kakambal niya.Nagaalay si Cain sa Panginoon ay hindi ito tinanggap sapagkat itong si Cain ay may galit na kay Abel at ang iniisip niya na ang gusto niyang mapangasawa ay ang kakambal niya ,at hindi ang kakambal ni Abel. iyon ang unang pagpatay ng tao sa kapwa. Umalis si Cain at tumira sa loob ng cueva ,na ang tawag ay cave of jewels, dahil sa mga nagkikislapang mga batong hiyas doon. at Si Adan at Eva ay nagkaanak pa ng isang lalake si Seth,na tumira naman sa itaas ng bundok. at silay tinawag na mga anak ng Dios. Sa Biblia ay di gaanong ipinaliwanag ang dahilan kung bakit pinatay ni Cain si Abel na kapatid niya.
PASIMULA
NG HINDI PA YARI ANG LANGIT AT LUPA ,
ANG PANGALANG MARIA SA DIOS INISIP
NA MAGAARUGA AT MAGTATANGKILIK,
SA DIVINO PASTOR NITONG SANGDAIGDIG.
NG GAWIN NG DIOS NA HARING MARANGAL
ITONG BUONG MUNDO NA KANYANG NILALANG.
AY ARAW NG LINGGO NG ITO'Y SIMULAN,
NG CREAVIT SANCTIBUS CLARUM ET TERRAM.
NG KINABUKASAN ARAW NG LUNES, AY SIYANG
PAGGAWA PERMAMENTENG LANGIT,
SAKA NAMAN YAONG LUPA AT ELEMENTONG TUBIG
NA MAYROONG MATABANG ,MAALAT, MAPAIT.
NG ARAW NG MARTES AY SIYANG PAGGAWA,
SARI SARING HAYOP AT HALAMANG MADLA.
YAONG TANANG HAYOP NA NAGSISIGALA,
TALAGA NG DIOS SA TAO'Y BIYAYA.
ARAW NG MIERCULES GINAWANG SARILI,
ANG ARAW AT BUWAN BITUING MARAMI,
YAONG TANANG TALA SA LANGIT PALAMUTI
MAKALILIWANAG NITONG BUONG ORBE.
NG ARAW NG HUEVES ISINUNOD NAMAN
SARI SARING IBON NA NAGLILIPARAN
AT ANG TANGING ISDA SA TUBIG ANG
TAHAN,SA TAO'Y TALAGANG PAKIKINABANGAN.
NG ARAW NG VIERNES ANG SABI SA BANAL NA AKLAT
BILANG IKA ANIM NG ARAW NA HUSTO,
AY SIYANG PAGGAWA'T PAGLIKHA SA TAO,
NUNO NATING ADAN SUMAPARAISO.
SAKA MATAPOS AT NG MABUO NA GINAWANG
LARAWAN SA TAONG ITSURA,
NILAGYAN NG SENTIDOT SANGKAP NA POTENCIA
SAKA HININGAHAN_ _ _ _ _ AY NAGING TAO NA.
SANGAYON SA BANAL NA KASULATAN, YAONG INIHIKAB
PANGALAN NG DIOS, NA KARAPAT DAPAT SA SINO
MANG TAONG MAKAPAG IINGAT NG AKLAT NA ITO AY
IPAGTATAPAT.AMEN.
Marami po ang tataas ang kilay at di makakaunawa sa mga bagay na iyan dahil taliwas dyan ang turo at ipinapalagay ng ibangmga Cristiano, Pero sa tulad nating mga Cristiano masasagot natin kung sino nga ba ang unang dalawang tao na nilalang ng Tatlong Personas. Bakit nakahanap si Cain ng napangasawa ganun din si Set. at noong palayasin si Cain sa Eden malinaw na may ibang mga tao na bukod sa kanila dahil sinabi ni Cain sa Dios "Napakalupit naman ng parusa ninyo sa akin maaaring patayin ako ng makakakita sa akin" Pero sinabi ng Dios na lalagyan niya si Cain ng tanda at paparusahan niya ang gagalaw kay Cain.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)