Gusto mo bang malaman kung may likas kang kakayahang magpatalab ng mga orasyon? Kung sa iyong pagsubok ay mapatalab mo agad ang orasyongibabahagi ko ngayon dapat kang matuwa at magpasalamat dahil isakang bertudes, kung hindi mo naman mapatalab ay huwag kang malungkot dahil ibig sabihin nito ay kailangan mo lang magsakripisyo, manampalataya atmaghandog ng panalangin sa panginoong Jesus at sa Diyos Ama.
Una, kailangan mong maghukay salupa ng may lalim na hanggang siko at may katamtamang luwang.Hulugan mo ng katam-tamang laking bato (huwag batong buhay) ang iyong hinukay at tabunan ito.Ibulong mo sa iyong palad ang orasyong ito ng tatlong beses"Jutlay Jutlay Mamonglay kahit bato, kahoy ay durog" samahang mo ng tatlong "phu" sa hulihan ngikatlong bulong. Manampalataya at suntukin ng tatlong beses ang ibabaw ng tabon ng ibinaong bato.
Hukaying muli ang hukay at suriin ang bato. Depende sa patalab ng orasyon, maaaring ang bato ay magkaroon ng pingas, mahati o magkahati-hati, o madurog. Maaridin namang walang mangyari sa bato, subali't tulad ng sabi ko hindi madali ang magpatalab ng orasyon. Isa itong sakripisyo. Kungmapatalab mo ito, huwag gamitin sa tao o alagang hayop sapagka'tmaaaring makasakit o makamatay.
Kung sakaling maging matagumpay kayo sa pagsubok na ito, huwag sana kayong mag-atubiling magbahagi ng inyong karanasan sa pamamagitan ng blog site na ito.