Sabado, Agosto 18, 2012

MAY KAPANGYARIHAN KABANG HINDI MO ALAM?


Gusto mo bang malaman kung may likas kang kakayahang magpatalab ng mga orasyon? Kung sa iyong pagsubok ay mapatalab mo agad ang orasyong ibabahagi ko ngayon dapat kang matuwa at magpasalamat dahil isa kang bertudes, kung hindi mo naman mapatalab ay huwag kang malungkot dahil ibig sabihin nito ay kailangan mo lang magsakripisyo, manampalataya at maghandog ng panalangin sa panginoong Jesus at sa Diyos Ama.

Una, kailangan mong maghukay sa lupa ng may lalim na hanggang siko at may katamtamang luwang. Hulugan mo ng katam-tamang laki ng bato (huwag batong buhay) ang iyong hinukay at tabunan ito. Ibulong mo sa iyong palad ang orasyong ito ng tatlong beses "Jutlay Jutlay Mamonglay kahit bato, kahoy ay durog" samahang mo ng tatlong "phu" sa hulihan ng ikatlong bulong. Manampalataya at suntukin ng tatlong beses ang ibabaw ng tabon ng ibinaong bato.

Hukaying muli ang hukay at suriin ang bato. Depende sa patalab ng orasyon, maaaring ang bato ay magkaroon ng pingas, mahati o magkahati-hati, o madurog. Maari din namang walang mangyari sa bato, subali't tulad ng sabi ko hindi madali ang magpatalab ng orasyon. Isa itong sakripisyo. Kung mapatalab mo ito, huwag gamitin sa tao o alagang hayop sapagka't maaaring makasakit o makamatay.

Kung sakaling maging matagumpay kayo sa pagsubok na ito, huwag sana kayong mag-atubiling magbahagi ng inyong karanasan sa pamamagitan ng blog site na ito.


Narito ang pamamaraan ng paggamit sa orasyong para sa cabal "Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen" . Nasa orasyong ito ang lihim na pangalan ng mga anghel na dumating at dumapo sa krus ni Jesus habang siya ay nakapako.  mas mabisa ang cabal na ito kung sa alak ibubulong sa halip na sa tubig lamang. Dasalin at ibulong ang orasyon ng tatlong beses sa alak na nasa baso matapos orasyunan ang alak hipan ito ng pa-krus ng tatlong beses. Inumin ang alak ng tuloy-tuloy o isang inuman lamang, kaya dapat katamtaman lang ang dami nito.

1 komento: