LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS AYON SA BANAL NA KASULATAN
GANITO ANG ATING MABABASA SA BANAL NA KASULATAN SA:
MATEO 12:25
Nang panahon yaon ay sumagot si jesus at sinabi, Akoy nagpapasalamat sa iyo. Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:
MATEO 21:16
At sinabi nila sa kanya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni jesus, Oo: kailan man baga'y hindi nyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay inyong nilubos ang pagpupuri?
MGA AWIT 8:1-9
1 Oh Panginoon, aming Panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! Na siyang naglagay ng iyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 Mula sa bibig ng ng mga sanggol at mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, Dahil sa iyong mga kaaway, Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 Pagka binubulay-bulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at mga bituin na iyong inayos;
4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagkat iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa:
7 Lahat ng tupa at baka,Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at mga isda sa dagat.
9 Oh Panginoon, aming panginoon, Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
DIYAN NAPAPALOOB ANG SINASABING LIHIM NA PANGALAN NG DIYOS GAYA NG SINASABI SA:
JUAN 1:1-4
1 Nang pasimula sya ang VERBO, at ang VERBO ay sumasa Dios, at ang VERBO ay Dios.
2 Ito rin ng pasimulay sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan nya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala sya.
4 Nasa kanya ang BUHAY; at ang BUHAY ay siyang ilaw ng mga tao.
JUAN 1:9-12
9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid bagay ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan.
10 Siyay nasa sanglibutan, at ang sanglibutay ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.
11 siyay naparito sa sariling kaniya,at siyay hindi tinanggap ng sariling kaniya.
12 Datapuwat ang lahat ng sa kaniyay nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, samakatuwid bagay ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.
ANG SINASABING PANGALAN NG DIYOS AT SIYANG DIYOS AY NAKATIRA SA BAWAT TAO NA KUNG INYONG HAHANAPIN AY MATUTUKLASAN NYO SIYA, SAPAGKAT ARAW AT GABI AY KASAMA NATIN SIYA, SAMANTALANG SIYAY BUHAY AY NABUBUHAY DIN NAMAN TAYO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento