Biyernes, Nobyembre 20, 2015

PAGTATAWAS

 ANG PAGTATAWAS AY KATUTUBONG PAMAMARAAN NG PAG-ALAM NG SAKIT NG ISANG TAO. ITO AY MAGAGAWA SA MARAMING PAMAMARAAN.

1
PAGTATAWAS GAMIT ANG BOND PAPER

KUMUHA NG ISANG BOND PAPER.
GUPITIN ITO SA 4 NA BAHAGI.


LANGISAN NG PA-KRUS ANG NOO NG MAYSAKIT

IBULONG SA BOND PAPER ANG ORACIONG ITO:

CRISTAC ORTAC
AMINATAC HIPTAC

SAKA IDANTAY ANG IKAAPAT NA BAHAGI NG BOND PAPER SA NOO NG MAYSAKIT

TIGNAN KUNG ANO ANG PORMA NG PIGURA NA LUMABAS SA BOND PAPER.

ANG PAPEL NA ITO AY IPAUNAN SA MAYSAKIT.

KINABUKASAN AY IPASUNOG
ANG NASABING PAPEL.


2
TAWAS NA GAMIT ANG PAPEL

IHIHIP ITO SA PAPEL NA WALANG SUGAT.

BUCOLUM
BALALAM
BIAM-AM
DIDIC
DIO
DIO
JESUS

IPAKITA SA MAYSAKIT KUNG MAY MAKIKITA.

KUNG NAEESPIRITU AY MAKIKITA NYA KUNG SINO ANG MAY GAWA NG SAKIT NYA


3
TAWAS SA PAMAMAGITAN NG KANDILA

IPAHAWAK ANG 3 KANDILA SA PASYENTE.

MATAPOS ANG 7 MINUTO AY HATIIN ANG 3 KANDILA SA TIG-3 PIRASO BAWAT ISA. TUNAWIN ANG KANDILA.

ITO ANG ORASYONG BABANGGITIN HABANG TINUTUNAW ANG KANDILA:

CRUZ SANCTI PATER BENEDICTI

EIUS IN OBITU NOSTRO PRAESENTIA MUNIAMUR

CRUZ SACRA SIT MIHI LUX
NON DRACO SIT MIHI DUX

VADE RETRO SATANA
NUNQUAM SUADEAS MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS
IPSE VENENA BIBAS

MATAPOS MATUNAW ANG MGA KANDILA AY IBUHOS ITO SA PALANGGANANG MAY TUBIG NG DAHAN-DAHAN.

PATIGASIN ANG KANDILA AT LALABAS ANG DAHILAN NG PAGKAKASAKIT NG PASYENTE.

ITO AY IBALOT, AT LAGYAN NG ASIN, AT IPAHIGA SA MAYSAKIT.


MATAPOS ANG 3 ARAW AY IPASUNOG.