Miyerkules, Setyembre 17, 2014

hango sa aklat sekreto ng tatlong m at nueve llaves

Ngayon ay magpatuloy naman po tayo sa tatlong M


Ang MAGUGAB, MARIAGOB at MAGOB ay ito po ang tatlong pangalang nakasulat sa tatlong mata ng santisima trinidad, ito rin ang MARBAM,  MEUBAM  at MEASMAM na pangalan ng tatlong haring tumatahan sa pusod ng dagat. Ang isa pang kahulugan ng tatlong M,  sa biglang turing ay ang tatlong ito ay pangalan din ng santisima trinidad, subalit sa kabila ng ganyang katotohanan ay may kahulugan pa rin ang bawat isa. Ang MATAM ay pangalan ng diyos ama, ang MITAM ay pangalan ng diyos Espirito santo,at ang MICAM ay pangalan ng santisima trinidad. Tunghayan pa rin po natin ang mga kahalagahan ng                                                       tatluhang M.


Ang tatlong pangalang MAGUGAB, MARIAGOB at MAGOB ay ginagamit po ito sa pagpapalubag ng kalooban ng  isang tao upang sila’y inyong mapasang-ayon na naaayon sa iyong kagustuhan.



Ang tatlong pangalang MACMA-MITAM MAEMPOEM at MALAMUROC  MILAM. Ang LAMUROC  MILAM  ay kalihim lihimang pangalan ng infinito dios. At ang MACMAMITAM  MAEMPOMAEM  ay ganito po ang kahulugan: Ako’y iisang dios Ama, sa Anak, sa dunong, kapangyarihan at lakas. Tatawaging diyos na tatlong personas. Ang walong M. Ito po ay pang-todas o pamatay sa mga masasamang espirito na namiminsala sa tao, at ito po ay maaaring gamiting pangtapal.



Tunghayan ang walong M. 

  
MATAM  MITAM  MICAM  MAC-MAMITAM  MAEMPOMAEM  MALAMUROC  MILAM  MOMO-MOM 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento